Naturalize Now (Tagalog)
لعربية |中文 | English|Español|Français|Kreyòl Ayisyen| 한국인|Tiếng Việt
Magandang balita! Bilang isang legal na permanenteng residente sa loob ng higit sa limang taon, maaari kang maging karapat-dapat na maging isang mamamayan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng naturalisasyon.
- Alamin ang iyong pagiging karapat-dapat sa naturalisasyon online sa www.uscis.gov/naturalization-eligibility.
- Isaalang-alang na makipag-ugnayan sa isang awtorisadong pang-imigranteng ligal na tagapagbigay ng serbisyo para makakuha ng payo, na maaaring ibigay nang libre o sa murang halaga.
- Alamin ang iyong pagiging karapat-dapat na makakuha ng pagpaubaya sa bayad at potensyal na maka-aplay sa mas mababang halaga o nang libre.
- Gumawa ng account sa myaccount.uscis.gov.
- Ihanda ang iyong Form N-400, Aplikasyon para sa Naturalisasyon, at isumite iyon!
- Karapatang manatili sa Estados Unidos;
- Pagiging karapat-dapat magkaroon ng pasaporte ng Estados Unidos para mas madaling makabiyahe sa iba’t ibang bansa;
- Karapatang bumoto, mahalal sa pwesto, at maka-aplay sa mga tiyak na pampederal at pang-estadong trabaho;
- Pag-iwas sa bayad para sa pagpapabago ng Green Card para makaipon nang hanggang $540 sa bawat aplikasyon ng pagpapabago;
- Mas maraming opsyon sa pagpetisyon na idala nang permanente ang mga kamag-anak sa Estados Unidos;
- Pagkakataon sa pagiging mamamayan para sa iyong mga anak sa ilalim ng 18 taon; at
- Potensyal sa mas mabuting trabaho at kita, tulad ng pahiwatig ng ilang pag-aaral.
Higit 4.3 milyon ng mga Green Card holder na tulad mo ang naging mamamayan sa nakaraang limang taon, at higit 95 porsyento ng aplikante ang pumasa sa kanilang pagsusulit sa naturalisasyon. Huwag nang maghintay! Magsimula na ngayon para mapakinabangan ang pagkakataon na ganap na lumahok at sumali sa Estados Unidos bilang isang mamamayan.
Taos-puso,
Ur M. Jaddou
Direktor, U.S. Serbisyo sa Pagkamamamayan at Imigrasyon
Ang karamihan sa mga link na ito ay nasa Ingles lamang
Topics
Alamin kung kwalipikado ka para maging isang Mamamayan ng Estados Unidos
I-tsek ang elihibilidad para sa Pagpapaubaya sa Bayad (Fee Waiver)
hindi kayang bayad ng mga filing fee, ang USCIS ay may fee waiver form na maaari ninyong kumpletuhin at isumite kasama ang iyong Form N-400. Kung ikaw ay kwalipikado para sa fee waiver, maaari kang mag-aplay para sa mas mababang singil o libre.